Tuesday, May 13, 2008

Departmental Council Fund

Ano nga ba ang Departmental Council Fund? ito ay ang sinisingil na membership fee sa lahat ng mga magaaral na kanilang mga departamento bago sila makakuha nung tinatawag na assessment form o mas kilala sa tawag na "Blue form". Ang membership fee na ito kadalasan ay mandatory, at kadalasan din na ang mga Departamento ang kumokolekta nito mula sa mga nageenrol na mga estudyante.

Ano naman ang mga nagiging problema sa Departmental Council Fund? Kadalasang hinaharap na problema ng mga student councils ay ang pagsuppress sa kanilang "Fiscal Autonomy" bilang mga lehitimong representative ng kanilang mga departamento. Ang Fiscal Autonomy na ito ay ang karapatan ng mga student councils na HAWAKAN ang sarili nilang mga pondo upang magamit ito sa dapat paggamitan at hindi sa kung sino-sinong Poncio Pilato.

Ang inyo pong lingkod ay naghanda na ng isang Position Paper upang maisulong ang layuning ito at nakausap ko da din po ng personal ang ating School Director na si Dr. Ferdinand Somido hinggil sa balaking ito.

Bagaman marami ng pagtutol at panggigipit ang aking nararanasan ay umasa po kayong ipagpapatuloy ko ang aking pagsusulong ng karapatang ito ng mga student councils.
Tanging ang interes lamang ng mga magaaral ang aking paglilingkuran, at patuloy po akong magsisilbing inyong lingkod.

Sa mga taong hindi napapansin ang halaga ng mga ganitong usaping pang kampus, sa mga lider-liderang walang ginawa kundi ang unahin ang kanilang mga personal na interes, nawa'y magising na ang inyong mga pinamamahalaan at tulad ng dapat gawin ay PATALSIKIN na kayo sa pwesto dahil hindi nababagay ang mga tulad ninyo sa sistema ng pagbabago.