Thursday, May 15, 2008

Ina...Saklolo

by Anonimuzzz

Naglalagablab ang ningas ng kabataan
Mga Magaaral na may ulong nagiisip
Unti-unti silang bumangon
Upang ika'y singilin

Ikaw, Isang palalong ganid
Sa iyong masangsang na amoy
Mga matang nakakapanghilakbot
Hawak ang aming mga yama't salapi

Ikaw, na dapat san'y sa ami'y naglilingkod
Na sa ami'y nagbibigay kaalaman
Ngunit patalikod mo kaming dinadarag
Kaming mga inosenteng kabataan

Ikaw, na nasa posisyon
Na may kapangyarihan
Na may sapat na kaalaman
Bakit mo kami pinabayaan?

Ngunit ngayo'y bubuwagin na ang iyong kalasag
Ang iyong pagkukunwari
Ang iyong mga kasinungalingan
Tapos na ang iyong kasakiman!!!