Tuesday, May 13, 2008

Pag ulit

Muli ko pong inuulit na hindi po ako isang KOMUNISTA at sa katotohanan ay hindi po ako naniniwala sa marahas na pamamaraan.

Sa mga nagsasabi po na si Benjo Suarez ay dumating sa PErpetwal upang manggulo o upang sumigaw at magsalita laban sa Admin, kayo po ay nagkakamali, si benjo SUarez po ay nasa SSC dahil po sa Mandato na ibinigay sa akin nung nakaraang ssc elections, kailanman ay hindi po ako nagasam na ibagsak ang ating paaralan, ngunit nandito po ako upang ipaalala sa mga taong dapat paalalahanan ang kanilang mga tungkulin lao't higit sa pagbibigay ng De kalidad na edukasyon sa bawat isang perpwtwalista.