Monday, May 5, 2008

PALAHAW

Musika..........................
Patuloy ang himig
Ang instrumentong awit
Ang Boses ng buhay
Ang Panahong inialay

Salamat.............................
sabay ka sa pagtangis
sa alon ng luhang aalpas
sa pagkakagapos
sa tanikala ng naglalagablab na apoy

Pagpanaw...............................
Sa ulirat ng katotohanan
Ng batas ng tao't moralidad
Bangon demokrasya!
Ahon mula sa pagkakalugmok

Perpetwal....................................
Tahanan ng mga Magaaral
Ng iba't-ibang uri ng nilalang
Ako't ikaw, siya at sila
Sama-sama kapiling ng Ina

Sigaw............................................
Sigaw ng nagnanasang isipan
Ng makabagong pamamaraan
Taliwas sa tradisyon at kinaugalian
LAban sa katiwalian at pagkagahaman

Liberal...........................................
Radikal ang mga ulong nagiisip
Sa pilosopiyang tinangkilik
Ang karalitaang winaglit
ang mga ulong nagkandatuto sayo

Sayaw............................................
Sumasayaw sa saliw ng pagkakataon
Ng mga ganid
Na sa yama'y nasilaw
Ngayon na siguro ang panahon.!