Tuesday, June 24, 2008

Leaders

Leaders are ...people who know loyalty
Fuckin Freaks who think they're worthy of people's trust
i may not be one of them...
but do you consider your self ONE of them?

Sunday, June 15, 2008

"Mass for the Holy Spirit

Sa darating na ika- labimpito ng hunyo taong 2008 ay muli pong magkakaroon ng isang misa na sponsored ng SUPREME STUDENT COUNCIL na naglalayon na humingi ng paggabay mula sa Poong Maykapal upang maging matagumpay,maayos at maunlad ang buong academic year 2008-2009.

Ito po ay gaganapin sa Performing Arts Theather ng University, alas 8 ng umaga.
Inaasahan po ang pagdalo na lahat ng mga Dekano, mga guro at mga empleyado ng university gayundin po ang mga bago at dati ng mga magaaral.

Maraming salamat po sa pagsuporta!

Sunday, June 8, 2008

KKK

BY: Anonimuz

Saan ka patungo? tila ika'y naliligaw
Ang Dati mong tapang ay nilamon na ng panahon
Humihikbi ang iyong mga kapanalig
Natatakot kana sa pagbabago

Tila naglaho na ang iyong tayog
Mistulang ibong walang pakpak
Sinira ka ng sistemang iyong kinalaban
Nakaluhod ka ngayon sa kanilang harapan

Nasa'n ang iyong kalayaan?
Ang iyong prinsipyo't pinaglalaban
Nilamon ka din ng Sistema
Ng bulok na burokrasya

Tinatawanan ka ng mga tao
Nilalait ang iyong kahinaan
Sayang ang Suportang inihayag
Naiwan ka pa ding nakagapos

Di na ako naniniwalang ika'y ASTIG
Nanatili ka kasing KAlMAdo
Taksil ka sa BOTO
Anay na sisira sa pagakatao

Thursday, May 15, 2008

Pahayag-An

By Anonimuzz

Tinutuligsa ka ng marami
Ng mga Palalong nilalang
Mga naduduwag sayo
Sila'y mga hangal

Pinipilit ka nilang ibagsak
Sinisikil ang iyong kalayaan
Sinasakal ka't inaaapi
Inililihim sayo ang katotohanan

Ayaw nilang may tutulong sayo
Nais nilang ika'y mapag-isa
Niyuyurakan nila ang iyong dangal
Kinakalaban ang mga sayo'y nananalig

Wag kang malungkot
Wag na ring mangamba
Ako'y patuloy na aakay sayo
Sa pluma mo't tinta

Aklat

by Anonimuzz

Nakagapos ka sa apat na sulok ng silid-aralan
Akala mo matalino ka
Kung walang aklat
Mangmang ka din pala

Ang iyong mga grado nga ay matataas
Ngunit kapos ka pa din sa kaalaman
Wala ka ring sinabi
Tulad ka rin pala ng marami

Pilit mong itinatatwa ang iyong kalagayan
Pinagtatakpan ang iyong kakulangan
Ngunit hanggang Saan? hanggang Kailan?
Natatakot kang ika'y pagtawanan

Ang aklat ay hindi ang mundo
Malayo sa mga pahina ang tunay na buhay mo
Kalagin ang tanikala sa ulo mo
Para ka kasing lumuluhang Payaso!

Ina...Saklolo

by Anonimuzzz

Naglalagablab ang ningas ng kabataan
Mga Magaaral na may ulong nagiisip
Unti-unti silang bumangon
Upang ika'y singilin

Ikaw, Isang palalong ganid
Sa iyong masangsang na amoy
Mga matang nakakapanghilakbot
Hawak ang aming mga yama't salapi

Ikaw, na dapat san'y sa ami'y naglilingkod
Na sa ami'y nagbibigay kaalaman
Ngunit patalikod mo kaming dinadarag
Kaming mga inosenteng kabataan

Ikaw, na nasa posisyon
Na may kapangyarihan
Na may sapat na kaalaman
Bakit mo kami pinabayaan?

Ngunit ngayo'y bubuwagin na ang iyong kalasag
Ang iyong pagkukunwari
Ang iyong mga kasinungalingan
Tapos na ang iyong kasakiman!!!

D' Espada

by ABES
Matatag ang pader
Tila isang monumentong nagmamalaki
Isang malaking dagok....
Isang pagkukunwari.....

Ang alab ay pilit na iwinawaglit
Ng mga mapagkanulong Kamay
Ng mga isipang Nagsusunud-sunuran
Mga PAPET at GAHAMAN

Bagaman Ako'y patay nilang iiwanan
Kailanma'y ang aking adhikain
Ideya't mga saloobin
Ay mananatiling hindi maigugupo

Katotohanang pinanday ng panahon
Mistulang ESPADAng papaslang
Sa bawat isang ulong nagpapagamit
Sa kanilang mahiwagang mga kamay!