Thursday, May 15, 2008

Aklat

by Anonimuzz

Nakagapos ka sa apat na sulok ng silid-aralan
Akala mo matalino ka
Kung walang aklat
Mangmang ka din pala

Ang iyong mga grado nga ay matataas
Ngunit kapos ka pa din sa kaalaman
Wala ka ring sinabi
Tulad ka rin pala ng marami

Pilit mong itinatatwa ang iyong kalagayan
Pinagtatakpan ang iyong kakulangan
Ngunit hanggang Saan? hanggang Kailan?
Natatakot kang ika'y pagtawanan

Ang aklat ay hindi ang mundo
Malayo sa mga pahina ang tunay na buhay mo
Kalagin ang tanikala sa ulo mo
Para ka kasing lumuluhang Payaso!