Tuesday, May 13, 2008

Salamat

Sa mga nagbigay po ng comments salamat po.

Una po sa lahat ay nais kong humingi ng dispensa sa aking pag post ng tula ni ms. honey pie maniego ngunit alam ko po na kung sakaling mababasa niya ang aking pagbabahagi sa aking mga kapwa magaaral ng kanyang akda ay maiintindihan niya ang pangangailangan ng mga Perpetwalista na mabigyan ng pagkakataong mabasa ang kanyang akda na mistula nang maglaho sa kasalukuyang panahon.

Ang kanyang legay sa perpetwal ay nais kong muling maramdaman bagaman hindi naging ganon kahusay ang aking napiling pamamaraan.

Ang "What makes a good leader ay hindi ko po nakuha kay Ms. honeypie ito po ay nanggaling sa SAVE OUR EDUCATION MOVEMENT Rationale na ibinahagi sa akin noong Regional Education Summit at sa aking paniniwala ay naggaling sa Edgar Jopson Leadership Training Kit!

Maraming salamat po sa mga paalala at mga komento.