Tuesday, May 6, 2008

Talumpati ng Pangulo

Una sa lahat ay nais kong gawin ang taos-pusong pasasalamat sa poong maykapal sa pagkakaloob niya sa akin ng bibhirang pagkakataon na maging Pangulo ng Supreme Student Council ng Perpetwal. Noong nakaraang eleksiyon ay tunay na madaming dagok ang aking naranasan, Una sa pagkakaroon ng taguri sa akin na Pakawala ng GAZETTE, isang paratang na kailanman ay walang ebidensiyang maipakita ang mga nagbibintang sa akin. Ikalawa ay ang paratang na Ako ay isang TERORISTA na kumakandidato upang maging Anti-Admin at nagsusulong ng komunismo sa ating paaralan. Ikatlo ay ang Panggigipit na naranasan ko mula sa ilang mga administrador, Guro at mismong mga magaaral na kailanman ay hindi ko itinuring na mga STUDENT LEADERS!

Nagpapasalamat ako sa mga komisyoner ng Student Comelec na tunay na nagsulong na Demokrasya bagaman kakaunti lamang silang tunay na mga "maka-estudyante!" at salamat sa mga komisyoner na naging PATAS, sa kanilang taga-payo na si Ms. Rosaroso na hindi nagkulang sa pagGabay!

Nagpapasalamat Ako sa aking mga kapatid sa Pluma at tinta..Ang UPHSL Gazette na naging malaking bahagi ng aking pilosopiya at sa kanilang pagtutok sa nakaraang eleksiyon. Ang tunay na Publikasyon para sa mga estudyante.

Nagpapasalamat Ako sa UPHSL-ROTC sa kanilang lubos na pagsuporta at sa kanilang walang sawang pagtulong sa aking kandidatura. Kina C/Col. Macky Sabado at sa aking Kaibigang si T/Sgt. Dick Borlaza at sa lahat ng mga officers at kadete na sumuporta.

Nagpapasalamat din ako sa mga myembro at supporters ng ASTIG (Alliance of Students Towards Independent Governance) ang Lehitimong Student Political Party na Aking itinatag upang isulong ang karapatan at ang interes ng mga magaaral. Sa aking mga kapartido na nagpakita ng kanilang masigasig na suporta.

Nagpapasalamat din ako sa UPHSL Political Science Society na naging SUSI ng aking tagumpay sa pakikibaka, sa pagsama sa akin sa kampanya, sa mga panggipit, sa mga problema. Unang-una na sa Aking Campaign Manager na si Mr. Pablo Jose Oliva Jr. na nagsilbing utak ng aking kampanya, sa mga myembro ng aking Presidential Cabinet sina Dick Borlaza, Criztian Calzada, Neil Mangahis, Renz Mascardo, Rommel Laviña, Andoy Hain at kina Ms. Charizze Gomez, Helene Villanueva at Jhoanne Ponciano sa kanilang suporta.At higit sa lahat sa Aking Guro at Idolo na si Mr. Romulo Dulfo na siyang nagbigay sa akin ng mga liberal na ideya at sa pagtulong sa aking Campaign strategies.

Nagpapasalamat din ako sa lahat ng mga magaaral sa lahat ng mga Departamento ng Perpetwal na bumoto sa akin at sa aking Partido, nawa'y ito ang maging susi ng tagumpay ng samahan ng mga magaaral. Nagpapasalamat din ako sa aking kasalukuyang mga Tagapayo kna Mr. Dominador Albo at Mrs. Alma Jallorina sa walang sawang paggabay. Nawa'y magpatuloy ang ating magandang pagsasamahan tungo sa maunlad na SSC.


Nawa'y ang aking pagpakapanalo ay hindi dito magtapos sa halip ay ito ang maging magandang simula.